UAE nag-alok ng multi-entry visa

Maluwag nang makakapamasyal ang mga turista kabilang ang mga Filipino sa United Arab Emirates (UAE).

Ito ay matapos na aprubahan ni UAE Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum ang inamyendahang tourist visa sa Gulf state.

Sa ilalim ng bagong tourist visa ay bibigyan ng limang taon ang lahat ng nasyonalidad na makabisita sa UAE.

Ang hakbang ay ipinatupad ng UAE sa layong mapalakas ang kanilang turismo.

“#UAE Cabinet chaired by @HHShkMohd, approves new amendment for tourist visas in #UAE. The new tourist visa will be valid for 5 years and can be used for multiple entries and is open for all nationalities,” bahagi ng inilabas na mensahe sa Twitter ng Dubai Media Office.