Twilight actor at girlfriend nakitang patay sa condo

Tyler CrowleyIsa sa mga aktor sa kauna-unahang pelikula ng Twilight saga ang natagpuang patay kasama ang kanyang girlfriend sa isang condo sa Las Vegas.

Si Gregory Tyree Boyce ay nagkaroon ng maigsing role sa unang Twilight movie noong 2008 at gumanap bilang Tyler Crowley na nagkagusto at muntik nang makasagasa sa bidang si Bela Swan.

Ayon sa ulat, nakita na lamang walang buhay si Boyce,30-anyos, at ang kanyang nobya na si Natalie Adepoju, 27, sa loob ng kanilang tinitirahang condo noong Mayo 13.

Kinumpirma ng Clark County Coroner’s Office ang pagkamatay nina Boyce at Adepoju pero wala pang report kung ano ang dahilan ng pagkamatay.