Viral ang reporter na si Jeck Battalones ng TV Patrol sa pagco-cover niya ng hostage crisis sa Greenhills mall habang naka-Spongebob shirt.
Takaw-pansin sa mga netizen ang Spongebob pineapple designed polo shirt at samu’t saring komento ang nahamig nito.
Ang screenshot ng nasabing report habang naka-suot si Jeck ng ‘cool-ass Spongebob Squarepants shirt’ ay humamig na ng 30,000 likes sa Twitter.
Napuno rin ng komento ang Youtube video ng TV Patrol tungkol sa summer vibe nitong polo shirt.
Ang nasabing shirt ay new release ng clothing brand na H&M.