TV remake ng 80s hit movie mapapanuod sa GMA

Magkakaroon ng TV remake ang 80s hit movie na “Bilangin ang Bituin sa Langit” at “Anak ni Waray vs Anak ni Biday”.

Bilangin ang Bituin sa Langit

Pagbibidahan ni Kyline Alcantara at Superstar Nora Aunor ang remake ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” na dating pinagbibidahan din ni Ate Guy.

Masaya ang superstar na makatrabaho si Kyline dahil marami umano silang similarities.

Sina Barbie Forteza at Kate Valdez naman ang bibida sa remake ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” at makakasama ang 80s stars na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.