Bernadette Sembrano TV Patrol

Nag-empake na ng mga gamit sa locker ang ilang host ng TV Patrol.

Sa Instagram post ni Bernadette Sembrano ay makikita ang mga gamit nila sa kuwarto na tila nakalabas na at ready nang iuwi.

Nasa larawan din ang isa pang host na si Gretchen Fulido na nag-eempake sa maleta ng mga nakatambak na gamit nito sa kuwarto sa ABS -CBN compound.

Ganito ang caption ni Bernadette sa kanyang post:

“Clearing our lockers. Just in case. Emotionless. (in today’s news: govt after Skycable, “takeover” plans of all that’s left … more friends getting retrenched) this will all be part of the past. Praying for a better tomorrow for all of us. Today – we just breathe.”

Nag-comment din si Fullido sa post ni Bernadette ng :

“Naghahakot na.” Nagpaabot naman ng pakikisimpatiya sa mga apektadong empleyado ang netizens.