Turistang nag-hike bago sumabog ang Taal, viral

Turistang nag-hike bago sumabog ang Taal, viral.

Ilang turista ang nag-hiking sa crater ng Taal Volcano ay nag-viral sa social media.

Makikita sa viral video ni Michella Domenici ang kanilang hiking trip ng kanyang pamilya nitong Linggo, January 12 nang mapansin nila ang usok malapit sa crater.

Dahil nasa Alert Level 2 ang bulkan, alam ng mga tourist guide na pahiwatig ito na sasabog na ang bulkan.

Sa video, dali-daling pinasakay ng guide ang mga turista sa kabayo para agad silang makarating sa baybayin.

Ilan namang guide ang nangabyo pabalik malapit sa bulkan para warningan ang lahat ng lumikas.

Nakatawid na ang pamilya ni Michella nang lumaki na ang usok sa Taal.