Tulungan si Mommy ngayong breastfeeding siya, paalala mula sa NNC

National Nutrition Council breastfeedNgayong nakataas ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, pinaalalahanan ng National Nutrition Council (NNC) na malaki ang maitutulong ng buong pamilya sa kanilang Nanay na nagpapasuso.

Ayon sa NNC maaring tulungan si Nanay sa mga gawaing bahay upang mas maalagaan niya si baby.

Sa ganitong paraan, mas magaan ang pakiramdam ni Nanay at mas magiging focused siya kay baby.

Narito ang ilan sa mga gawaing bahay na ayon sa NNC maaaring matulungan si Nanay.

Pamamalengke.

Malaking tulong kay Mommy ang magkaroon siya ng kaagapay sa pamimili ng groceries at pagpunta sa palengke.

Pag-aalaga sa mga bata.

Habang busy si Mommy sa pag-aalaga kay baby, pwedeng tumulong si Lolo at Lola sa pamamagitan ng pag-aalaga pa sa ibang mga anak ni Mommy.

Malaking kabawasan sa mga alalahanin ni Mommy ang pagkakaroon ng katulong sa pag-aaruga sa kanyang mga anak.

Mga gawaing bahay.

Malaki ang maitutulong ng mga chikiting at ni Daddy sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng bahay.

Kaya naman habang nagpapa-breastfeed si Mommy paghati-hatian muna ang ibang gawaing bahay.

Pagluluto.

Alam natin ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain habang nagpapasuso si Mommy, kaya naman pwedeng tumulong si Tito at Tita sa pamamagitan ng paghahanda ng makakain ni Mommy at ng buong pamilya.

Ngayong panahon ng krisis, inaasahan ang pagtutulungan lalong-lalo na sa ating sariling pamilya.

Tulungan natin si Mommy upang lalo niyang matugunan ang tamang nutrisiyon kay baby.

Ayon sa ordinansa, hahatiin ang budget sa mga departmento upang masuportahan ang iba’t-ibang mga proyekto at makabili ng mga medical supplies.

Source: Josephine L. Babaran, Philippine Information Agency, April 21, 2020