Niregaluhan ng apat magkakapatid ang kanilang ama at ina ng isang mansion matapos magtagumpay sa buhay.
Sa post ng financial literacy page na PESO SENSE, naging viral ang inspiring story ng mag-anak.
Hindi naging hadlang ang pagiging tricycle driver at mananahi para hindi mapagtapos ang kanilang apat na anak.
“Share ko lang po”.
Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle).
Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan).
Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera.
Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.
“Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).
“Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. Natutulog kami sa sala.”
Dahil sa kanilang magsusumikap ng mga anak matapos silang makapagtapos, ay nabigyan din nila ng regalong bahay ang kanilang mga magulang.