Transwoman, naging flight attendant sa Pilipinas

Sina Jess Labare at Mikee Vitug ang kauna-unahang transwoman flight attendants sa Pilipinas.

Sila ay flight attendants ng Cebu Pacific.

Jess Labare

Ang 24-anyos na si Jess Labare ay nagwagi bilang 2019 Queen Phlippines Universe bago maging fligh attendant habang si Mikee Vitug naman ay dating pharmacist.

Saad ni Mikee, sinubukan lang niyang mag-apply na maging flight attendant kahit na alam niyang wala siyang pag-asa makapasa dahil sa kanyang pagiging transwoman.

Nagpasalamat naman ang dalawa sa Cebu Pacific sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad.