Transphobic song ‘Awit’, inilabas pa sa Spotify

Binash muli ng netizens ang newbie rapper na si Erich Gabriel Bongon o mas kilala bilang Young Vito dahil sa pag-release nito ng kanyang transphobic song na ‘Awit’ sa Spotify.

Noong Disyembre ay tinanggal ang video ng kanta at sinabi ng rapper na na-realize nito ang kanyang pagkakamali.

Ngunit ni-release pa rin ni Young Vito ang edited version ng ‘Awit’, under Viva Records.

Ang nasabing kanta ay tungkol sa babaeng nakita ng rapper na trangender woman pala.

Ang nasabing kanta ay nilabas sa YouTube at Spotify nitong Huwebes, ng Viva Records.

Sa ngayon ay tinanggal na ito sa nasabing sites.

Wala pang statement ang Viva Records sa nasabing release at pagtanggal ng nasabing kanta.