Top 3 sa CPA board exam anak ni Sen. Bong Go

Blessings pa more ang dumating kay dating Special Assistant to the President Bong Go.

Ito ay matapos na masungkit ng kanyang anak na si Christopher Lawrence Cruz Go ang ikatlong puwesto sa Certified Public Accountant (CPA) licensure board exam.

Ang anak ni Sen. Go na nag-aral sa Dela Salle University-Manila ay nakakuha ng markang 89.50 percent.

Ang pagkakapasok sa listahan ng mga topnotcher sa board exam ng anak ni Bong ay ibinahagi sa Facebook page ng senador ng isang netizen na si Melonia Mascarinas Aleria.

“Sir proud father of a CPA topnotcher.”

Si Sen. Go ay kasalukuyang nasa Japan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pagbaba sa trono ng Japan emperor.