Top 10 dishes ng mga Pinoy ngayong lockdown

Ilan sa past time ng mga Pinoy ngayong kailangan manatili sa loob ng bahay ay ang magluto.

Ano kaya ang madalas lutuin ng mga Pinoy ngayong lockdown?

Nilabas ng Google Philippines ang top 10 dishes ng mga Pinoy base sa kanilang search engine result ng April.

Ang nanguna sa listahan ay carbonara, sumunod ang maja blanca, pancake at banana cake.

Kasama rin sa frequently search ang puto, menudo, leche flan, pandesal, chicken curry, at ang viral drink na dalgona coffee.

Ayon sa Google, tumaas ang search ng recipes, bread at cake noong nakaraang buwan.