Hindi pera ayon sa actress/ singer/ host na si Toni Gonzaga ang magpapahiwalay sa kanya sa mundo ng showbiz.
Sa panayam ni Boy Abunda sa TWBA sa ABS-CBN kay Toni kagabi tinanong niya ang Kapamilya actress kung sakaling kumita na ng milyun-milyon ang kanyang mga negosyo ay tatalikuran na nito ang industriyang kinabibilangan niya sa ngayon.

Tugon ni Toni, hindi pera ang magiging dahilan kung gusto na niyang iwan ang showbiz.
Ito aniya ay kung babawalan na siya ng anak niyang si Seve at hinging maging fulltime mom na ito sa anak.
Maari rin aniyang gawin ang pamamaalam sa showbiz kung ramdam niyang tapos na ang kanyang panahon.