Nag-react na si veteran actor Ronnie Henares sa viral meme ng kanyang iconic character na si Tommy Diones sa Kapuso sitcom Pepito Manaloto.
“Somebody is spreading this around!” caption niya sa post with a screenshot of the meme.
Ang nasabing meme ay kasama si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at ang mga prize niya na mahigit P50 million.
Kilalang mangungutang ang role ni Ronnie as Tommy sa character ni Michael V na Pepito Manaloto.
At in character naman ang aktor na pabirong nanghingi ng P1 million kay Hidilyn.
“Sabagay, mahigit nang isang milyon ang utang ko kay Pepito. Siguro naman, sa daming milyon makukuha ni Hidilyn, baka pwede niya ako ibalato ng isang milyon man lang!” na ikinatuwa ng kanyang followers.
Marami ang naka-relate dahil aside from cash prize ay ilang brands din ang nag-pledged ng non-monetary gifts like lifetime flights at unlimited food sa Olympian.
Baka naman, Hidilyn my friend.