Tips para makaligtas sa epekto ng ashfall mula sa pagsabog ng Taal Volcano

Nakataas na ang Alert 4 sa Taal Volcano dahil sa phreatic eruption, at nararanasan ngayon ang ashfall sa mga karatig-lugar katulad ng CALABARZON, Region III at National Capital Region.

Ayon sa International Volcanic Health Hazard Network (IVHHN), mapanganib ang volcanic ash sa ating kalusugan.

Ang mga ilang paghahanda na dapat gawin ay ang mg sumusunod:

1. Magsara ng pinto at bintana.

2. Mag-imbak ng malinis na pagkain at tubig.

3. Maglagay ng basang basahan sa gilid ng pinto na maaaring pasukan ng alikabok.

4. Iwasan ang paglabas hangga’t maaari.

5. Kapag may ashfall, magsuot ng mask o panyo at itakip sa ilong at sumilong agad sa pinakamalapit na lugar.

6. Huwag magsuot ng contact lenses.

7. Gamitin lamang ang malinis na tubig. Kapag maraming abo sa tubig, huwag gamiting panghugas o panlaba.

8. Siguraduhing hugasan ang gulay lalo na kung galing sa bakuran.

9. Iwasan ang magmaneho dahil maaaring madulas ang daan.

10. Huwag gagamit ng wipers kapag may ash dahil makasisira ito ng windscreen.