Tips laban sa illegal recruiter sa Facebook

Nagkalat ang mga manlolokong recruiter sa Facebook ngayon.

‘Wag maging biktima. Maging mapanuri!

Alamin ang mga senyales na ang recruitrer ay hindi fly-by-night cyber recruitment agency.

Ka-Chos!, narito ang tips para seguruhin na ‘di illegal recruiter ang kausap ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

1. Basahin mabuti ang buong website. Suriin kung ang pangalan ng kompanya at profile ay kapani-paniwala. Tingnan din ang company profile o ang “about us” page para malaman kung mayroon itong office location at phone numbers.

2. Suriin ang website design at ang mga links at pahinang ipinapakita. Ang isang legitimate company ay hindi manghihinayang gumasta ng malaki para pagandahin ang disenyo ng kanyang website dahil ito ang magsisilbing “business’s window” niya sa mundo.

3. Bigyan atensiyon din ang website’s invitations para ipadala ang resume at application papers sa pamamagitan ng postal mail o drop boxes. Karamihan ng mga lehitimong websites ay mayroong nakalaang form sa mismong website na inyong susulatan o kaya naman ipadadala na lamang ang resume sa pamamagitan ng e-mail.

4. Bigyang atensiyon ang kanilang mga iniaalok. Karamihan sa kanila ay nag-aalok ng mga sahod na hindi kapani-paniwala o “too-good-to-be-true.” May mga kasama pang perks and privileges tulad ng free accommodation at mga bonus.

5. Gamitin ang search engines gaya ng (yahoo!, google, etc.) at hanapin ang pangalan ng kompanya o iba pang topic na may kaugnayan sa website na inyong tinitingnan.

6. Inspeksiyunin ang “domain name” ng website para makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

7. Ireport agad sa Complaints Hotline 8888, POEA (8722-1144), DOLE 24/7 Hotline 1349 o iba pang law enforcement authorities ang anumang illegal recruitment activities na inyong matutuklasan sa internet.

Maaari rin “Ipa-Tulfo!” ang illegal recruiter. Para sa inyong sumbong at reklamo, maaari kayong magsadya sa action center ng Wanted sa Radyo sa TV5 Media Center, Reliance corner Sheridan Streets, Mandaluyong City. Email: info@raffytulfoinaction.com