‘The Voice’ finalist bagong Black Eyed Peas member magpi-perform sa SEAG closing

May pambulaga ang sikat na grupong ‘Black Eyed Peas’ sa kanilang pagtatanghal sa closing ceremonies ng 30th Southeast Asian Games sa New Clark City sa Tarlac sa Disyembre 11.

Jessica Reynos and Black Eyed Peas

Ito ay dahil sa bagong miyembro ng grupo na isang Pinay na si ‘The Voice of the Philippines’ finalist Jessica Reynoso.

Makakasama ni Jessica sa pagtatanghal ay sina Will.I.Am, Taboo at Apl.De.Ap.
Magpe-perform din sa pagsasara ng SEA Games ang Journey lead singer na si Arnel Pineda.