The Hunks nag-reunion sa fundraising event

Nag-online reunion ang all-male group na The Hunks para sa isang fundraising project.

Kasama ang mga miyembro na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca para sa third episode ng ‘One Voice Pilipinas.’

The Hunks fundraising

Hindi nakasama si Carlos Agassi dahil sa kanyang ibang commitment.

Ang nasabing online fundraising event ay para sa pagkain ng mga kapus-palad na apektado ng COVID-19 community quarantine.

Ang nasabing event ay hosted by Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

Ang The Hunks ay nabuo noong 2000s at huli silang nakitang magkakasama sa ‘ASAP’ noong 2015.