The General’s Daughter may pahabol na award

Bagama’t nagwakas na ang ‘The General’s Daughter’ na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Angel Locsin ay hindi pa rin natatapos ang pagtanggap ng pagkilala ng nasabing sinubaybayang teleserye.

Sa katatapos na pagbibigay parangal ng 2019 Asian Academy Creative Awards of the Singapore media festival ay muling kinilala ang TGD ni Angel.

Ito ay matapos itong hirangin na ‘Best Telenovela o Soap Opera Series’ sa nasabing award giving body.

Maliban sa TGD ay kinilala rin ng Asian Academy ang ilan pang shows at talents ng Kapamilya star kabilang dito sina Tirso Cruz na tinanghal na best actor in a Supporting Role sa TGD.

Si Dimples Romana naman ay nanalong best actress in a supporting role sa Kadenang Ginto