Thailand cafe nagsara dahil kay Blackpink Lisa

Blackpink LisaNagsara ang Thailand cafe na ‘Mqqn Cafe’ dahil sa sexually inappropriate comments ng may-ari kay Blackpink Thai-member Lisa.

Galit ang fans ng Blackpink dahil sinubukan ng may-ari ibenta ang items na ginamit ni Lisa katulad ng sofa, cutlery, at toilet seat, sa photoshoot nito sa cafe, na pinost niya noong January 1.

Sa bidding post, makikita ang malalaswang comments ng social media users at ng may-ari tungkol kay Lisa.

Nag-sorry naman ang may-ari sa pamamagitan ng Facebook post pero bigo itong mapatawad ng fans. Noong Linggo, nakita ang ‘closed’ sign sa nasabing cafe.