Temperatura ng panahon umabot sa pinaka-delikadong antas sa iba’t ibang parte ng Pilipinas

Summer PhilippinesAyon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) umabot sa mga delikadong antas ng temperatura ng panahon ang iba’t ibang parte ng Pilipinas noong May 9, 2020.

Ang pinakamatataas na antas ng temperatura ay naitala bandang ika-dalawa (2pm) hanggang ika-tatlo (3pm) ng hapon sa mga sumusunod na lugar: Sangley Point, Cavite (50 deg. Celcius), Science City of Muñoz (49 deg. Celcius), Clark, Pampanga (46 deg. Celcius), Dagupan City (46 deg. Celcius), Davao City (45 deg. Celcius), Ninoy Aquino International Airport, Pasay City (45 deg. Celcius), at Zamboanga City (45 deg. Celcius).

Ang mataas na temperatura ng hangin ay naiugnay sa paglaganap ng mainit at mahalumigmig na hangin na nakakaapekto sa karamihan ng mga lugar sa bansa.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng maraming tubig nang regular at bawasan ang mga pisikal na mga aktibidad, lalo na mula tanghali hanggang hapon, upang maiwasan ang sobrang pagkapagod.

Ang pinakamataas na antas ng temperatura ng panahon sa kasalukuyang taon ay naitala sa San Juan City, Occidental Mindoro (58 deg. Celcius) nito lamang Abril 20, 2020.

Ayon pa sa PAGASA, ang mataas na temperatura ng panahon ay mararamdaman at may malaking epekto sa katawan ng tao.

Kung saan, ang pagkakabilad ng matagal sa sikat ng araw ay makapagbibigay ng karagdagang init hanggang (8 deg. Celcius), ayon pa sa PAGASA.