Tekla nagsalita na sa ‘no sex, no sustento’ kay misis

BINASAG na ni Super Tekla ang pananahimik kaugnay sa mga akusasyon ng live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Nauna rito ay nagsumbong si Michelle sa programang “Raffy Tulfo in Action” at binato ng mga alegasyong pang-aabuso ang live-in partner na komedyante.

Ayon kay Michelle pinupuwersa umano siya ni Tekla na magtalik kahit may sakit ito.

Inakusahan din ni Michelle ang komedyante na kapag tumatanggi siyang makipagtalik ay hindi siya binibigyan ng panggastos.

Basta na lamang umano ito lumalayas at walang iniiwan na pera para pambili nito ng pagkain at ng kanyang anak.

Ang mga bintang ng live-in partner ay itinanggi ni Tekla.

Sabi ni Tekla sa panayam sa GMA kung saan ito talent ay wala aniyang katotohanan ang mga alegasyon ni Michelle.

Ayon kay Tekla: “Hindi totoo ‘yan.”

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan,”resbak ni Tekla.

Iginiit pa nitong nasa tamang katinuan pa siya at hindi niya magagawa ang mga akusasyon ni Michelle.

Utang “na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” dagdag nito.