Teenager patay sa bubonic plague

Isang 15-year-old na lalake ang patay sa bubonic plague sa Mongolia, ayon sa report.

Ayon sa health ministry, nakatira ang binatilyo sa remote area ng southwest province ng Gobi-Altai, at nakuha ang rare bacterial illness matapos mangaso at kumain ng marmot.

Nakapagtala na rin ng dalawa pang kaso ng bubonic plague sa Khovd province sa simula ng buwan.

Isang herdsman sa Inner Mongolia region na parte ng China ang nakuha rin ang plague, na naghudyat na pagbawalan muna ang pangangaso at pagkain ng mga hayop na maaaring magdala ng plague, hanggang sa katapusan ng taon.