Binati ni Sen. Cynthia Villar ang 350 trainees na nakakumpleto ng training on Construction Painting at Masonry sa Villar SIPAG Construction School sa Bulacan in partnership with TESDA and SJDM Cornerstone College.
May mga naghihintay ng trabaho sa marami sa kanila dahil sa in demand ang mga skills na kanilang natutunan sa #BuildBuildBuild program ng gobyerno at pati na rin sa private sector.
Nanawagan din si Villar na magtulungan para maitaas ang antas ng tech-voc skills sa ating bansa para sa magandang kinabukasan ng mga Pilipinong kabataan.