Team Pacquiao nag-New Year sa Canada

Nag-celebrate ng Bagong Taon ang Pacquiao family sa Alberta, Canada.

Team Pacquaio in Canada

Sa post na litrato ni boxing champ Manny Pacquiao at asawa nito na si Jinkee, masaya silang nagdiwang ng kanilang holiday sa Canada.

Pumunta rin ng Canada pagkatapos ng Pasko si Manny para suportahan ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at lumahok sa isang exhibition match.