Tayong dumayo sa Makati celebrity bazaar

Join ang mga malalaking celebrity sa pagtitinda ng kanilang pre-loved items at iba pang goodies sa taunang “Celebrity District” na in-organize ni celebrity mom Christine “Tintin” Babao.

Isa ito sa pinakamalaking celebrity collab na in-organize ni Tintin.

Kabilang sa celebrity night market sina Pokwang, Nikki Valdez, Ara Mina, Nene Tamayo, Maricar Reyes.

Kasama rin sina Diana Zubiri, Yana Asistio, Cheryl Cosim, IC Mendoza, Niño and Alonzo Muhlach, at iba pa.

Gaganapin ang “Celebrity District” sa Globe Circuit Event Grounds, Makati simula Nov. 15–17, 5 p.m. to 12 midnight.