Taylor Swift tinalo si Michael Jackson

Nagwagi si Taylor Swift ng Artist of the Year at Artist of the Decade sa katatapos lang na American Music Awards.

Taylor Swift

Nag-uwi ng anim na awards si Taylor ngayon taon sa AMAs, at mayroon na siya 29 awards in total, at nalampasan niya ang record ni Michael Jackson na 24.

Suot ni Taylor ang flowing pink at gold cape habang tinanggap ang Artist of the Year. Tinalo niya ang ibang nominado sa award na sina Post Malone, Drake, Ariana Grande, at Halsey.