Taylor Swift naglabas ng surprise album

Nasurpresa ang lahat ng ianunsiyo ni Taylor Swift ang kanyang bagong album, ilang oras bago ito i-release.

Nilabas ang 8th studio album ‘Folklore’ ng singer nitong Biyernes, July 24.

“Most of the things I had planned this summer didn’t end up happening, but there is something I hadn’t planned on that DID happen. And that thing is my 8th studio album, folklore. Surprise (hug emoji),” caption ni Taylor sa black and white photo niya.

Ang standard edition ay mayroong 16 songs, habang ang deluxe edition naman ay may bonus track called “The Lakes.”

Dagdag pa ng singer, ginawa niya ang album habang naka-isolate dala ng COVID-19 pandemic, at nakipag-collaborate sa ilang musicians gaya nina Bon Iver and Aaron Dessner.

Kasabay ng album, ini-release din ang music video ng ‘Cardigan’ na siya ang sumulat at nag-direct.