Taylor Swift docu ilalabas sa Netflix

Inanunsiyo ni singer Taylor Swift na ilalabas na ang kanyang documentary na ‘Miss Americana’ sa Sundance at Netflix.

Taylor Swift Miss Americana Netflix Sundance

Magiging opening film ng Sundance Film Festival sa January 23 ang buhay ni Taylor at maaari itong i-stream sa Netflix sa January 31.

Ang movie-docu ni Taylor ay directed by Lana Wilson, na nanalo ng Emmy para sa docu na ‘After Tiller’.