Tawi-tawi nagpatupad ng travel ban sa Malaysia

Tawi-tawi Covid-19Nagpatupad ng travel ban sa Sandakan, Sabah, Malaysia ang lokal na pamahalaan ng Taganak, Tawi-Tawi sa paglaganap ng coronavirus.

Ayon kay Turtle Islands Mayor Hadji Mohammad Faizal H Salam Jamalul, pinagbabawalan ang mga residente na pumuntang Malaysia, maliban kung bibili ng kanilang pangunahing pangangailangan.

Ang Turtle Islands ay may layong 60 kilometro sa Sandakan, at aabutin lamang ng 20-30 minuto ang biyahe.

Lilimitahan lamang ng hanggang dalawang tao ang maaaring pumunta ng Sandakan para mamili.