Tatay ni Unique Salonga, winner sa ‘TNT’

Sumali ng ‘Tawag ng Tanghalan’ ang ama ni Unique Salonga nitong nakaraang linggo at nanalo sa daily edition.

Isa si Randy Salonga sa dalawang contenders ng “It’s Showtime” segment, at kinanta nito ang “Sa Ugoy ng Duyan” at “One Day in Your Life.”

Sa bagong edition ng Tawag ng Tanghalan, mayroon bagong set of contenders araw-araw at maglalaban-laban ang winners sa weekly finals.

Ang weekly winners ay makakatanggap ng cash prize, at mabibigyan ng ayuda ang napiling barangay o residente.

Si Salonga na taga-Quezon City ay piniling makatulong sa kanyang barangay sa pagbibigay ng hygiene kits para sa mga market vendors.