Tatay ni Baeby Baste naka-recover sa COVID-19

Balik-trabaho na ang tatay ni Baeby Baste matapos itong gumaling sa coronavirus.

“Back to work na po si Papa Sol. Thank You Lord God. Thank you po sa prayers nyo Dabarkads,” post ni Baste sa kanyang Instagram account.

Baeby Baste father

Ang ama ng child host ay isa sa mga Philippine National Police (PNP) personnel na tinamaan ng COVID-19.

“My papa is a FRONTLINER. We miss you labyu pa.”

Hiling din nito na gumaling na ang iba pang COVID-19 patients.

Nagpaabot na rin ng donasyon ang pamilya ni Baeby Baste sa PNP frontliners.