Ginamit ang curse words na ‘tarantado’ at ‘gago’ sa isang American sitcom.
Ang NBC sitcom na ‘Superstore’ na 5th season na ay nagmurahan gamit ang Tagalog languange.
Sa isang scene ni Mateo Liwanag (Filipino-American Nico Santos) at Marcus White (Jon Barinholtz), sinabi nang una “Tarantado ka talaga!” at sinagot naman ng huli nang “Narinig ko ‘yon, gago!’
Hindi lang ito ang unang Filipino reference ng nasabing sitcom, na mayroong ding scene na meron silang protesta tungkol sa Drug War ng Pangulong Duterte.