Tara na sa Cagayan Valley

Ako at ang aking pamilya ay nagkaroon ng pagkakataon na bisitahin ang Cagayan Valley kamakailan para sa isang muling pagsasama-sama.

Kami ay mayroong isang buong linggo na puno ng pakikipag-ugnayan sa aming mga kamag-anak at maranasan ang ilan sa malapit na atraksyon sa Cagayan Valley.

Sa aking unang gabi roon ay nakihalubilo ako sa aking mga kamag-anak para mag-enjoy at mag plano kung saan maganda pumunta kinabukasan.

Ang Cagayan Valley ay isang maunlad na lungsod sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Maraming bagay na maaaring gawin sa loob ng isang lingo sa lugar na ito.

Dahil kami ay naroon higit sa lahat para sa isang muling pagsasama-sama ng pamilya, hindi namin nilibot ang lahat ng lugar.

Gayunpaman ang mga pasyalan na napuntahan namin ay lubos na kasiya-siya.

Isa na rito ang Miniature Baguio.

Sa lugar na ito, pwede kang makahanap ng pwesto para makapag-piknik sa ilalim ng mga puno.

Siyempre ang buong setting ay nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin at nakakapreskong panahon.

Kasama na rin dyan ang maraming magagandang tanawin ng bundok.

Nagkaroon din kami ng pag kakataon na makasakay sa karaniwan na ginagamit na sasakyan dito na nasa ibabaw ka ng jeep, at makapunta sa Cagayan River, ang tinatawag na “the largest river basin in the Philippines” at “the second longest bridge in the country” kasunod ng San Juanico Bridge.

Ito ay bumubuo sa Santiago-Tuguegarao Road. Talagang humanga ako sa Cagayan Valley.

Napakasarap sa pakiramdam habang tinatahak ang pagpunta rito dahil mayroong mga aktibidad tulad ng zipline, zorbing at karting.

Maaari ka ring magbayad upang sumakay ng kabayo para sa isang jungle trail.