‘Tala’ pasok sa Billboard Charts

Umabot na sa international scene ang ‘Tala’ ni Sarah Geronimo matapos itong mag-debut sa Billboard charts.

Pasok ang apat na taong kanta ni Sarah at ika-12 spot sa ‘Billboard World Digital Song Sales chart’.

Ilang kasama sa listahan ay ang K-Pop groups na Red Velvet, MAMAMOO, BLACKPINK, at BTS.

Ang nasabing listahan ay para sa mga top-downloaded songs sa mundo.

Sumikat ulit ang ‘Tala’ dahil sa LGBT community na nagpe-perform nito sa mga events at naging kasama sa viral video ng volleyball players na naging dance challenge.