Namatay ang Taiwanese-Canadian actor na si Godfrey Gao dahil sa heart attack noong November 27 sa Ningbo, China.
Sa statement ng kanyang management agency, nag-collapse si Gao habang nagsho-shooting ng isang reality TV show.
Agad siyang dinala sa ospital ngunit pagkalipas ng tatlong oras ay dineklara na itong patay.
Marami naman netizens ang nagulat sa maagang pagkamatay nito sa edad na 35.
Sumikat si Gao bilang isang fashion model, at kauna-unahang Asian male model ng luxury brand na Louis Vuitton.