Raymond Gutierrez Taguig party

Isinara ng Taguig local government ang restaurant na pinagdausan ng birthday party ni TV personality Raymond Gutierrez sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ilang litrato ang nag-viral na makikitang walang suot na face mask at hindi sumusunod sa social distancing measures ang bisita ni Gutierrez.

Isa sa mga guest ng party ang nag-post sa social media ng RT-PCR tests nila na negatibo sa coronavirus.

“Any kind of testing does not excuse you from the rules of our city. So meron ho tayong mga patakaran. Hindi ho dahil nagpa-test kayo, exempted na ho kayo. We have to make that very clear,” ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano.

“Habang nag me-meeting tayo ngayon, lahat ng empleyado ng restaurant na ‘yon, kahit ‘yung mga kapitbahay, nag te-test. Ngayon. We hold the establishments responsible until the investigation is over,” dagdag pa ng mayor.

“Kapag may problema ho tinatawagan nila kami, sir may customer kami ayaw sumunod. So far the investigation shows that the establishment did not call us, it did not call the PNP, it did not call the hotlines.”