Tagle unang Asian Cardinal-Bishop

Cardinal TagleSi Cardinal Luis Antonio Tagle ang kauna-unahang Asyano na ginawaran ng ranggong Cardinal-Bishop, ang highest order sa College of Cardinals.

Dating Manila Archbishop si Tagle at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of People.

Kapantay na ni Tagle ang mga kardinal sa suburbicarian churches o ang mga Diyosesis na nakapaligid sa Roma.

Ang Cardinal-Bishop ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katolika sunod sa Santo Papa, na siyang naghahalal dito kapag ito ay sumasailalim sa conclave.