Ang mga taxi driver sa Baguio ay gumagawa ngayon ng good news sa social media sa pagiging matapat at mapagkakatiwalaan pagdating sa pagbabalik ng mga mahahalagang gamit na hindi sinasadyang maiwan ng mga pasahero sa loob ng kanilang sasakyan.
Madalas i-post sa social media ng mga pasahero ang kanilang pagpapasalamat at papuri sa mga taxi driver na nagbalik ng mga nakalimutang pag-aari na hindi humihingi ng anumang kapalit.
Sa isang Facebook post ni Sofia Wisdom, kinilala nito ang katapatan at pagpupursigeng maibalik ang smartphone na kanyang naiwan sa taxi ni Paul William, na may plakang AAB 3571.
Kuwento ng may-ari ng smartphone, aksidenteng naiwan niya ito at sibukan niyang tawagan gamit ang cellular phone ng kanyang anak ngunit walang sumasagot.
Pagkalipas ng dalawang oras ay saka lamang nasagot ang tawag nito at sinabing puntahan siya sa tindahan malapit sa kanyang bahay.
Hindi umano nasagot ni William ang tawag dahil hindi ito marunong gumamit ng high-tech na gadget.
Dalawang beses pinuntahan ni William ang bahay ni Wisdom ngunit walang sumasagot.
Nagpatulong siya sa tindahan malapit sa tahanan ni Wisdom upang sagutin ito.
Hindi lang ito ang unang balita na mayroong nagbalik ng mahalagang kagamitan naiwan sa kanilang sasakyan ang mga driver ng Baguio.
Naibalita na rin na kamakailan ang pagbabalik sa nawalang P400,000 ng isang OFW na nakita ng pasahero at drayber na agad namang ini-report sa pulisya.