T3 strategy inihayag ng Implementer ng Nat’l Action Plan vs CoViD-19

Ipinaliwanag ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at BCDA President & CEO Vince Dizon ang pagtaas ng kapasidad ng testing sa bansa sa pamamagitan ng “Test, Trace, Treat” o T3 strategy ng gobyerno.

T3 National Action Plan

Mula sa 5,000 tests per day noong ika-2 ng Mayo, umabot na sa 11,127 tests kada araw ang kapasidad ng bansa noong ika-15 ng Mayo.

Iniulat ni Sec. Dizon na malaking bahagi sa pagpapalawig at pagpapalakas ng kapasidad ng testing ay dahil sa Philippine Red Cross at pribadong sektor na patuloy ring nakikipagtulungan upang maabot ang target na 30,000 daily testing capacity sa pagtatapos ng Mayo.

Source: BCDA, May 19, 2020