Sylvester Stallone at anak, astig na astig!

Astig ang dating ng mag-amang Sylvester Stallone at 23-anyos na si Sophia sa Instagram post ng actor.

Sa naturang picture, naka-Lara Croft ang peg ng magandang anak ni Stallone habang mistulang bodyguard na nakaporma naman sa likod nito ang aktor.

“Getting ready to channel LAURA CROFT Tomb Raider for Halloween, with some strange bodyguard lurking in the background…” ang inilagay na caption ni Sly sa kanyang post.

Napa-comment tuloy ang ilang followers ng: “That’s a badass family” at “Tomb Raider and Rambo dad”.

Nag-comment din ang dalaga ni Stallone at sinabing: “Definitely my father’s daughter.”