Least trusted ng mga Pinoy ang China, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na inilabas nito lamang Nobyembre 20, ngayong taon.
Taliwas ang resultang ito sa Estados Unidos na pinagkakatiwalaan ng mga Filipino.
Ito ang lumabas na survey ng SWS kung saan ay nakakuha ng net trust rating na -33 ang China sa September 2019 survey na bumabagsak sa kategoryang ‘bad’ mas lumagapak sa ‘poor’rating nakaraang taon.
Ang US naman ay nakakuha ng +72 o katumbas ng ‘excelent’ marka na sinundan ng Australia, +37; Japan,+35 at Singapore, +26.