Sa pagsisimula ng bagong dekada ay pagsisimula din ng animal cycle ng Chinese horoscope ngayong 2020, ang Year of the Metal Rat.
Anong nga ba ang masuwerte at malas na aktibidad ngayong taon?
Ayon sa kay feng shui expert Master Hanz Cua, masuwerte ngayong Year of the Metal Rat ang bagong negosyo at career.
Magiging patok ngayong 2020 ang negosyong pagkain at online stores kaya ngayon pa lang ay magsimula na kayong mag-invest dito.
Payo rin ni Master Hanz na huwag matakot sumagal sa bago at iwasan ang maging mainitin ang ulo dahil talamak ang pag-aaway ngayong taon.
Ang element na metal ay sumisimbolo ng conflict o gulo.
Marami ring pagtataksil ang mangyayari ngayong taon kaya mauuso ang third party at sex scandal.
Mauuso rin ang May-December relationships o couple na may malayong agwat ng edad ngayon 2020.
Susuwertihin din ang mga Pinoy sa mga beauty pageants at sports competitions.