Kinumpirma ng Label SJ at JYP Entertainment nitong Huwebes, January 2, ang napapabalitang mag-couple na sina Super Junior’s Kim Heechul at Twice’s Momo.
Sa statement ng Label SJ, nagsimula ang kanilang relasyon bilang “senior-junior” sa entertainment industry.
Ganito rin ang sabi ng JYP Entertainment sa kakasimula pa lang na romantic relationship ng dalawa.
Nagsimulang ma-link na may relasyon ang dalawa noon pang August 2019 pero itinanggi nila ito.
Naging close sina Heechul at Momo matapos silang lumabas sa isang television show noong 2017.