Sunshine Dizon lumipat sa ABS-CBN sa bagong teleserye

Opisyal nang Kapamilya si award-winning actress Sunshine Dizon, na 25 years mainstay as Kapuso. Nag-tweet si ABS-CBN Head of Corporate Communications Kane Errol Choa para i-welcome si Sunshine sa network.

“Welcome Kapamilya Sunshine Dizon!” Choa wrote. Inanusiyo na isa siya sa cast members ng upcoming ABS-CBN series na “Marry Me, Marry You” nitong Biyernes.

Kasama ni Sunshine sa family drama ang dati ring Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, na gaganap bilang mag-asawa.

Ilan lang si Dizon sa listahan ng mga Kapuso-turned-Kapamilya stars matapos ang paglipat din ni Gutierrez nitong January.