Sunog sa Boracay, umakyat na sa general alarm

Sumiklab ang apoy sa Muslim community ng Boracay Station 3, Sito Ambulong, Brgy. Manocmanoc, Huwebes, at nakataas na ito sa general alarm.

Ang pinangyarihan ng sunog ay pinakamataong lugar sa Boracay kaya napilitan ang awtoridad na itaas ito sa pinakamataas na alarma, na kailangang rumesponde ang lahat ng firefighters at volunteers sa pinakamalapit na distrito.