Naglabas ng official statement ang agency ni Korean actor Sung Hoon para linawin ang kanyang relationship status.
Sa Youtube channel na ‘Reporter Eun’s LIT NEWS’, inilabas ang interview ni Sung Hoon nitong February 12 tungkol sa kanyang MBC reality show ‘Home Alone’.
Naitanong ng interviewer ang tungkol sa pagbitbit ni Sung Hoon sa train ng dress ng kanyang co-star na si Park Na Rae sa 2019 MBC Entertainments Awards noong Disyembre.
Sinabi ng interviewer na mayroong rumors na mag-couple ang dalawa.
Sagot naman ni Sung Hoon, “I firmly believe in not going public with my relationships, but if I end up getting caught dating somewhere, without my planning it, and I have to talk about it personally—then I’ll talk about it here, on [this YouTube channel].”
Nang tanungin kung meron ba siyang dini-date, sagot lang ng aktor ay ‘no comment’ na pinagmulan ng spekulasyon.
Agad naman itong nilinaw ng kanyang agency na wala itong dini-date ngunit ‘he actually thinks that it would be nice if he met someone now’.
Isa sa mga tumatak na drama ni Sung Hoon ay ang 2017 ‘My Secret Romance’.