Sunday PinaSaya tsugi na sa 2020!

Ikinalungkot ng mga host ng Sunday PinaSaya ng GMA-7 ang pahayag na magtatapos na ang kanilang Sunday show ngayong taon.

Sunday Pinasaya

Ito ay dahil hanggang sa Disyembre 22, 2019 na mapapanood ang farewell episode ng comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Tumagal sa ere ang Sunday PinaSaya ng apat taon at pinalitan nito ang Sunday All Stars noong August 2015.

Sinasabing papalitan ang Sunday PinaSaya ng isang station-produced na musical variety program.