Star Magic nilayasan! Kisses Delavin, Kapuso na

Wala na sa poder ng Star Magic ang teenstar na si Kisses Delavin na nakilala sa Pinoy Big Brother.

Kisses Delavin
Kisses Delavin (IG)

Ito ay matapos na pumirma ng kontrata ang teenstar sa Kapuso network sa ilalim ng Triple A Management.

Ang Triple A Management ang siyang nangangasiwa sa career ng mga sikat na Kapuso stars na sina Marian Rivera at Maine Mendoza.