Staff ng GMA-7 may coronavirus

Kinumpirma ng GMA Network na ang freelance production talent nila ay nagpositibo sa coronavirus at kasalukuyang nasa ospital.

Sa statement na kanilang inilabas, nakikiapg-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) at local government unit ng barangay para masiguradong nasusunod ang protocol sa sitwasyon.

GMA-7 statement

Ang huling bisita ng talent sa GMA ay noong February 28 sa annex building ng istasyon.

Hinihikayat ang mga empleyado at talent na nakasalamuha ang infected talent na i-monitor ang kanilang health condition.